BIONOTES


IMG_0373

AJ Supe

Nabigyan ni Engr. A.J. Supe ng karangalan ang Pilipinas bilang isa sa mga pinakamagagaling at prominenteng Aeronautical Engineer sa buong mundo. Sa unang beses pa lamang ng pagkasakay niya sa eroplano, nagkaroon na siya ng pagkamangha. Para sa kanya naggawa nitong makatotohanan ang kanyang pangarap upang makalipad. Doon pa lamang ay alam na niya kung ano ang karerang gusto niyang tahakin. Nagtapos siya sa Stanford University bilang Cum Laude at nabigyan siya ng oportunidad na magtrabaho sa N.A.S.A. Para kay Engr. Supe, kahit na naabot niya na ang kanyang hangarin, hindi pa rin siya titigil. Ngayon, gusto niyang ibahagi ang kanyang mga natutunan sa kapwa Pilipino. Nangangarap siyang maging matagumpay rin ang kanyang mga kababayan sa larangan ng Aeronautika.


IMG_0380

Nowell Cabiling

Si Ginoong Nowell Cabiling ay nagtapos sa Unibersidad ng Santo Tomas sa kursong medisina. Nakatanggap na siya ng iba’t ibang parangal tulad ng “Pinakamahusay na mananaliksik ng taon sa larangan ng medisina 2020” at ipinadala na rin sa iba’t ibang dako ng mundo upang magbahagi ng kaalaman ukol sa mga napaanahong pananaliksik patungkol sa medisina.


IMG_0377

Catherine Doble

Si Bb. Catherine Doble ay nakapagtapos sa lugar kung saan nag-aaral at nagsasanay ang mga taong nais at handang ibuwis ang kanilang sariling buhay para sa kapakanan ng inangbayan. Dahil sa kanyang pagmamahal sa sariling bayan, nakapagtapos siyang may mataas na ranggo sa Philippine Military Academy. Ngayon ay kanyang itinutuloy ang pangarap niyang maging inhinyero sa Mapua Institute of Technology. Siya si Major Doble, isang magiting na sundalo.


IMG_0382

Roseanne Alarilla

Ako si Engr. Roseanne D. Alarilla. Nagtapos ako ng senior high school sa Unibersidad ng Santo Tomas. Kursong Civil Engineering naman ang aking kinuha sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Ilang proyekto sa iba’t ibang bansa at sa loob ng bansa ang aking natapos. Naipalimbang ko na rin ang aking librong matagal ko nang isinusulat na nagngangalang “Chasing Freedom”. At ngayo’y nag-aaral para sa aking Master’s Degree sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman.


IMG_0378

Justin Aguas

Si Ginoong Justin Daniel Aguas, ay isa sa mga nahirang sa “Best Artists if the 21st Century”, dahil sa kanyang mga obra maestrang nakapagpabago sa pananaw ng mga Pilipino. Kabilang din siya sa grupo ng mga pinakakilalang pintor sa bansa, ang “Pintores de Milagros”. Mas nakilala ang talento ni Aguas dahil sa mga grafitti art na kanyang ipininta sa mga pader ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, isa na siya sa mga highest paid artist sa buong mundo.


IMG_0376

Bryan Manabat

Ako ay nakapagtapos bilang cum laude sa kursong parmasiya sa Unibersidad ng Pilipinas. Nagpakadalubhasa sa nasabing larangan. Nakapunta sa ibat-ibang panig ng mundo upang tumanggap ng samut-saring mga parangal dahil sa mga pananaliksik na aking naiambag. Ako’y naging propesor sa departamento ng pamasiya sa pamantasan ng Santo Tomas at doon ko naipamalas at naibahagi ang lahat ng aking natutunan mula sa simula. Kasalukuyang naglalahad ng aking papel-pananaliksik sa pambansa at pang-global na pagpupulong. Ako si Bryan Jerome M. Manabat.



IMG_0375

Angelika Tangonan

Ako si binibining Tangonan, dalawampu’t pitong taong gulang. Ako ay nagtapos ng pag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas sa kursong “Architecture” at “Interior Design”. Ako ay nagtapos ng Suma Cum laude ng aming batch. Sa kasalukuyan, ako ay nagtatrabaho sa bansang Barcelona, kung saan sikat na sikat ang mga makabagong disenyong pang Arkitektura. Marami na rin akong naiambag hindi lamang sa ating lipunan, pati na rin sa ibat ibang bansa, katulad ng mga sikat na gusali, museo, tulay at mga kabahayan. At dahil sa mga proyektong aking natapos, akoy nabigyang karangalan sa New York City bilang isa sa mga matagumpay at kilala na Arkitekto sa buong mundo.


IMG_0374

Alayne Delos Reyes

Si Alayne Sofia C. Delos Reyes ay nakapagtapos ng kursong Arkitektura sa Unibersidad ng Santo Tomas. Sa kasalukuyan, siya ay isang Senior Architect sa Aidea Philippines Inc., isa sa mga kilalang kumpanya sa larangan ng arkitektura. Pinagsasabay niya ngayon ang kanyang trabaho at ang pag-aaral ng kursong Interior Design upang mas maengganyo ang kanyang mga kliyente. Kasama ang kanyang asawang inhinyero, sila ay tambalang sumikat dahil sa mga proyekto nilang kahanga-hanga ang pagkadisenyo. Ilan sa mga kliyente nila ang malalaking kumpanya katulad ng SM Development Corporation at Ayala Corporation.


IMG_0379

Mavic Ching

Ako ay si Bb. Maria Victoria T. Ching, isang mananaliksik sa larangan ng Biyolohiya at isang alumni ng Unibersidad ng Santo Tomas. Isa ako sa mga mananaliksik na nakatuklas sa gamot na nakalulunas sa sakit na kanser. Sa kasalukuyan, ako at ang aking grupo ay nagsusumikap na hanapin ang lunas ng HIV/AIDS. Naimbitahan na rin akong magsalita sa Estados Unidos at sa World Health Organization. Mahilig din akong sumulat, at nakalikha na ako ng librong “Of Wars and Inaction.”


IMG_0381

Reign Cirineo

Nakapagtapos ako ng summa cum laude sa kursong Parmasya sa Harvard University bilang paunang-medisina, at ngayon ay isang matagumpay na doktor na ng medisina, partikular na sa Neurolohiya. Sa kasalukuyan, ako ang tumatayong direktor ng World Health Organization (WHO), at kilala bilang ang doktor na nakadiskubre ng gamot sa AIDS. Ngayon ay nagmamay-ari na rin ako ng tatlong pribadong ospital na nangunguna na sa pagbibigay lunas sa buong mundo. Ako si Dr. Reign Walther Matthew R. Cirineo, M.D., M.S., isang doktor na handang magbigay serbisyo.