Dedikasyon

Sa aming mga magulang,

Sa mga gumabay at patuloy na gumagabay,

Sa mga gurong walang-pahingang nagtuturo

Sa lahat ng mahal namin sa buhay

Sa Diyos na nasa itaas,

Maraming Salamat.

Para sa inyo ‘to.

 

Sa lahat ng may balak sumuko,

Sa lahat ng mga nalulunod na sa agos ng buhay,

Sa lahat ng nasa ilalim ng tatsulok,

Para sa inyo rin ‘to.

 

Bago magtapos,

Sa lahat ng problemang sumubok sa’ming kakayahan,

Sa lahat ng away na humubog sa’ming pagsasama

Sa mga pagsusulit at mga proyekto

Sa mga gabing tila-walang katapusan

At sa umagang pumipigil sa pagbukas ng talukap ng mga mata:

Salamat sa lakas upang muling makabangon.